Biyernes, Hunyo 6, 2014

Paalam sa Pagkabata

PAALAM SAPAGKABATA
Salin ni Nazareno D. Bas
Humanismo

May pagkakataon ba kung saan naguguluhan ka sa iyong sariling buhay? Tinatanong mo ang iyong sarili: Sino ako? Bakit ganito ang buhay ko? Minsan, gusto lang natin bumalik sa ating kabataan, ang panahon kung saan wala tayong nalalaman wala tayong iniintindi.

TEORYANG HUMANISMO
- nagbibigay halaga sa dignidad ng tao kabilang nito ang kanyang isip at damdamin

TAUHAN 
Celso - pangunahing tauhan sa kwento. Isang bata na tila naguguluhan sa mga pangyayari sa kanyang buhay.
Isidra- ang ina ni Celso na madalas makitang umiiyak
Tomas- ang mahigpit na tatay ni Celso. Isa siyang mangingisda. Madalas natin siyang
makitang pinapagalitan si Celso at si Isidra
Lalaki sa bahay-pawid – isang misteryosong lalaki na may hawak na gitara . Isa rin siyang magaling na mangaawit

BUOD
Inilalarawan ni Celso ang takbo ng kanyang buhay. Isang buhay na tila walang pagbabago, nanatiling maginaw, tahimik, at madilim. Ito ang mundo na nakilala niya. Naririnig ni Celso na nag-aaway ang kanyang mga magulang sa kabilang silid. Umiiyak na naman ang kanyang ina na si Isidra. Hindi pa rin alam ni Celso kung bakit palaging umiiyak siya.

Walang malinaw sa isipan ni Celso. Mula sa kanyang pagkabata, madali siyang mainip. Pinapangarap niya na magkaroon ng isang kapatid dahil sa kanyang pag-iisa Noon ay hindi pinansin ni Celso ang lambat ngunit dalawang taon ang nakaraan noong itinapon ni Isidra ang lambat at nagalit ng husto si Tomas, ang ama ni Celso. Ipinabalik niya ito

Nag-away na naman si Isidra at Tomas. Ipinaliwanag ni Isidra kay tomas na wala siyang kasalanan, na dapat kalimutan na nila ang nangyari at hindi sinasadya niyang magkamali. Sabi ni Isidra na si Tomas lang ang kanyang iniibig. Hindi naiintindihan ni Celso ang nangyari. Mula noon, hindi na ginalaw ng ina ang lambat. Kahit luma na, buong buo pa sa tingin ni Isidra. Nais itanong ni Celso kay Isidra kung bakit mahalaga ang lambat, ngunit sabi ni Isidra na kailangan na niyang maglakad dahil malapit na dumating ang kanyang ama.

Pumunta si Celso sa may dalampasigan kung saan ang mga tao ay naghihintay sa mga mangingisda. Napalingon si Celso nang marinig niya ang isang tugtog sa gitara mula sa isang bahay-pawid. Ang awit ay tungkol sa kasawian ng pag-ibig.

Hindi nakatiis si Celso. Para siyang hinila ng musika kaya pumunta siya sa bahay-pawid. Naalala niya ang utos ng ama na bawal pumunta roon. Hindi niya namalayan na kaharap na niya ang taong naggigitara. Lumuha ang mga mata ng mama. Tatakbo sana si Celso, ngunit nahawakan ng mama ang kamay niya.

Mahagpit nitong niyakap si Celso. Umiyak si Celso. Pinahid ng mama ang luha ni Celso at sabi nito

“Dalawin mo ako palagi ha?”

Parang nakita na ni Celso ang mamang ito, parang nakita niya ito sa salamin. Nagdatingan na ang mga mangigisda. Nakita sila ni Pedro. Sinampal ni Pedro si Celso dahil hindi ito nakinig sa utos.

Naguguluhan si Celso kung bakit ayaw ni Pedro na pumunta siya roon. Pagkatapoos bumalik sila sa bahay. Si Isidra ay nakatingin na naman sa sampayan ng lambat. Luhaan na naman ang mata. Naalala ni Celso yung mama. Lumapit si celso sa salamin at nakita niya ang mukha ng mama.

Kumuha ng itak si celso at pinagtaga nito ang lambat. Nabigla si Isidra at Pedro sa ginawa niya. Nagaapoy ang mata ni Tomas, ngunit nilabanan Celso ang titig nito. Sinuntok ni Pedro si Celso.
Tinadyakan siya kapag tumatayo, hanggang gumagapang na siya. Iningudngod sa lupa ang mukha niya at nakatikim ito ng pawis at dugo. Nawalan ng malay si Celso. Naramdaman na lamang niya ang mainit na bisig na yumayakap sa kanya.

Nakita niya ang mukha ng kanyang tatay, puno ng pagsisisi at pag-unawa. Yinakap niya si Celso ng matagal.


MGA SIMBOLO
Kabataan
Ang pagiging bata ay dumadaan lang ng isang beses sa ating buhay. Si Celso ay hindi nabigyan ng pagkakataon malasap ang pagiging bata.

Lambat- Ang lambat ay naging simbolo ng pagkakakulong ng kanyang pamilya sa isang malaking problema at isinisimbolo ang pagtataksil ni Isidra ang lambat

Salamin--dito nakita ni celso ang pagkakahawig niya sa lalaking naggigitara dito nalaman nya ang kanyang pagkatao

Langit-simbolo ng kasiyahan..

Ang lalaking naggitara ay ang kanyang tunay na ama. Ang kundiman ang dahilan upang magtagpo si celso at ang kanyang ama

Sinira ang lambat- ayaw niya magdusa ang ina


SAKIT SA LIPUNAN

> Hindi tamang pagtrato sa mga batang anak sa labas

> mentalidad na hindi nagiisip bago gawin isang bagay.



ARAL

Pahalagahaan mo ang iyong kabataan dahil nagaganap lamang ito ng isang beses.

Huwag mong gawin ang isang bagay na pagsisisihan mo lamang sa huli

Ang totoong pagmamahal ay binubuo ng pagpapatawad at pag-unawa 

22 Mga Komento:

Sa Disyembre 13, 2017 nang 2:35 AM, Ayon kay Blogger yvujesor...

saan po ang tagpuan ng kwento?

 
Sa Hulyo 3, 2018 nang 12:14 AM, Ayon kay Blogger Unknown...

Nakakalungkot ang istorya

 
Sa Setyembre 12, 2018 nang 6:10 AM, Ayon kay Blogger Unknown...

Sino po ba si Pedro sa istorya?

 
Sa Setyembre 17, 2018 nang 3:57 AM, Ayon kay Blogger Unknown...

Ano po Yung kasukdulan at papataas na aksiyon Ng istorya

 
Sa Oktubre 11, 2018 nang 2:14 PM, Ayon kay Blogger Unknown...

Sino si Pedro?

 
Sa Disyembre 3, 2018 nang 3:56 AM, Ayon kay Blogger Unknown...

bakit may lumitaw bigla na pedro

 
Sa Enero 27, 2019 nang 12:33 AM, Ayon kay Blogger Unknown...

walang pedro, si tomas dapat yan

 
Sa Pebrero 6, 2019 nang 7:05 AM, Ayon kay Blogger Unknown...

salamat po sa aral

 
Sa Abril 23, 2019 nang 1:26 AM, Ayon kay Blogger Lui...

Nakakaantig ng damdamin ang kentong ito <3

 
Sa Setyembre 17, 2019 nang 3:05 AM, Ayon kay Anonymous Hindi-nagpakilala...

Ano ang indikasyon/simbolo ng pagkayakap ng ama kay cielo sa katapusan ng kwento?

 
Sa Setyembre 22, 2019 nang 9:35 PM, Ayon kay Blogger Unknown...

ang gulo po nung kuwento🤔🤔 pero ang ganda po nung lesson...🙂🙂

 
Sa Setyembre 25, 2019 nang 3:16 AM, Ayon kay Blogger Unknown...

Pinag-aaralan panamn namin to ang galing

 
Sa Oktubre 5, 2019 nang 3:17 AM, Ayon kay Anonymous Hindi-nagpakilala...

Ano po ang bumabagabag kay celso sa unang bahagi ng kwento

 
Sa Oktubre 9, 2019 nang 6:36 AM, Ayon kay Blogger Unknown...

mga pangyayari

 
Sa Oktubre 15, 2019 nang 10:07 PM, Ayon kay Blogger Unknown...

banhay po ng kwento

 
Sa Mayo 10, 2020 nang 11:26 PM, Ayon kay Blogger Unknown...

Femenismo po ba ito?

 
Sa Abril 3, 2021 nang 5:25 AM, Ayon kay Blogger Unknown...

Sino muna si Pedro???

 
Sa Abril 4, 2021 nang 8:44 PM, Ayon kay Blogger Everything you should know why we Acquire Language....

akala ko peminismo ito hahaha

 
Sa Hulyo 21, 2021 nang 3:20 AM, Ayon kay Blogger Unknown...

Nakakalungkot ang istoryang ito subalit naguluhan ako sa parti na dumating si pedro.

 
Sa Oktubre 24, 2021 nang 7:00 PM, Ayon kay Blogger Unknown...

ddd

 
Sa Pebrero 13, 2022 nang 6:14 AM, Ayon kay Blogger Unknown...

Teoryang Pampanitikan?

 
Sa Marso 21, 2022 nang 9:27 PM, Ayon kay Blogger Unknown...

Minsan kailangan natin pigilan ang mga tukso sa paligid at pikit mata na isawalambahala nalang natin ito upang hindi ito humantong sa hindi inaasahang pangyayare na pagsisisihan mo sa huli.

 

Mag-post ng isang Komento

Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]

<< Home